Thursday, February 22, 2007

realizing something extraordinary...

woohh... kakapagod ang araw na ito... hehe.. kaya mejo tinamad ako sa una kong post.. jeje.... peace tau ah... d bale.. babawi ako sa post na ito... ilalagay ko dito mga nadiskubre ko sa aking buhay...

game...

~HUWAG BIBILI NG EARPHONE NA P25-75 SA BANGKETA
Oo.. tama yan.. kase ung iba eh d tatagal ng isang araw.. tapos ung iba eh mga rejects lang ng mga factory kaya meh chance na makuryente kah... kawawa ka naman...

~MAHAL MAGLARO SA TIMEZONE
Oo... mahal nga... ubos pera ko nun eh... reload kasi ako ng reload... nakaka-adik kasi ung AIRHOCKEY... hehe... kalaban ko nun eh isang complete stranger.. kung gusto mong makatipid dun ka nalang maglaro sa Tom'S World o World's Of Fun sa SM NORTH.. jeje...

~NAKAKATUWANG TUMAMBAY SA TOY KINGDOM.. LALO NA KAPAG MALAYO ANG GUARD
Oo... Nakakatuwa nga... kase pwede mong pagdiskitahan ung mga laruang walang plastik.. at ung meh mga TRY ME... hehe... imbes na bilhin mo na eventually eh pagsasawaan mo rin naman eh dun mo nalang pagdiskitahan para kpg nagsawa ka na eh pwede kang lumipat sa iba. pero wag na wag mo itong sisirain kasi kapag nasira mo ito eh kawawa ka....

~KAPAG NAGUGUTOM AT IKA'Y NASA SM, PUMUNTA SA SM HYPERMARKET SA THE BLOCK AT DUN KUMAIN SA MGA KIOSK DUN
Tama! Makakatipid kapa kase ang price range eh d lalampas ng P50. Oh dba,,, aus! hehe... Busog ka na, nakatipid kapa!

~ KAPAG SIRA ANG INTERNET CONNECTION SA BAHAY, PUMUNTA NALANG SA INTERNET CAFE SA BARANGAY
Super tama! imbes pumunta sa mga 'pangsosyal' na Icafe, pumunta ka nalang sa pinakamalapit na internet cafe! ang presyo lang naman eh P15 per hour d tulad sa iba na P42 per hour! wala din naman pinagkaiba ang connection eh..

~MAS MURA BUMILI NG MP3 PLAYER SA HYPERMARKET SA SM NORTH
Unfortunately, huli na ng malaman ko na mas mura dun. hehe. ung mp3 ko na SAMSUNG YP-U1 eh nabili ko ng P4,899 sa ABENSON sa CyberZone. tapos nung naggrocery kami sa Hypermarket, nakita ko na mas mura ung mp3 players dun! price range: P1,500 to P4000.

~MAGDOWNLOAD NALANG SA LIMEWIRE IMBES NA MAGBAYAD PARA MAKAPAGDOWNLOAD NG MP3 SONGS SA IBANG LUGAR
kAYA lang baka magka-virus computer nio. tulad nila Eliz.. hehe...

~HUWAG MAG-UNLIMITED KAPAG WALANG KATEXT!
hUWAG nio akong gayahin dahil tanga ako!!

~KAPAG WALANG PERA, HUMINGI NALANG SA MAGULANG
Oo.! huwag kanang mag-isip ng kung ano-anong paraan para magkapera kase alam naman naten na d yan uubra! deretsuhin nalang ang magulang! pero kung ikaw ay 18+ na, magtrabaho kana! Ang tanda mo na!!

~KAPAG LUMALAKWATSA AT KASAMA MO ANG MGA PRENDS MO, SUBUKAN MO NA MAGPALIBRE KA NALANG!
YUN YON!

~KUNG MAY KAKILALA NA MARAMING DVDs, HUMIRAM KA NALANG SA KANYA IMBES NA BUMILI
Gayahin nio ako.. humihiram nalang ako... baet kase nila eh..

~KAHIT GAANO KA KACOOL OR KA-JAPORMS, BASTA'T MEH NAGAWA KANG NAKAKAHIYA, TALAGANG KAWAWA KA
Tama nga ito... pero d ko pa nararanasan yan...

~LAGING MAGDALA NG PANYO PARA D KA MAGMUKHANG BASANG SISIW SA PAWIS
Gayahin nio ako,..... laging meh hanky sa bulsa... kaso nagmumukha parin akong BASANG SISIW....

~KAPAG INUUTUSAN NG NANAY O NG KAHIT SINO, SUNDIN NALANG ITO PARA D KA MAPALO O MAPAGALITAN
Kaya tatapusin ko na ito para d ako mapagalitan or worse mapalo..

No comments: